Good vibes: Groupie ng Bagani cast na may nakatatawang caption, kinaaliwan




Imahe mula sa Instagram account ni @dimplesromana

Marami ang napasaya ng aktres na si Dimples Romana matapos niyang i-post ang groupie niya kasama ang Bagani co-stars.

Sa Instagram, ibinahagi ni Romana ang larawan niya kasama sina  Enrique Gil, Liza Soberano, Matteo Guidicelli, Sofia Andres, at Makisig Morales. Nilagyan niya ang litrato ng isang nakatatawang caption na kinaaliwan naman ng Instagram users.

“Ay sorry, ‘di ko ata nasabi sa kanila na smile muna bago fierce look,” wika niya.

Isa-isa niyang binigyan ng mensahe ang co-stars niya.

“LAKAM @mateoguidicelli kulang pa pa-abs mo, dagdagan mo pa,” wika niya kay Guidicelli, na kitang-kita ang abs.

“GANDA @lizasoberano ayoko tumatabi sayo Hope e! Nakikita ko ang mga kulang sa ‘kin,” sabi niya kay Soberano.

“LAKAS @enriquegil17 why so serious Quen? Sarap ba niluto kong ginataang ipot ng ibon kagabi?” biro niya kay Gil.

“MAYARI @iamsofiaandres pahiram ng shield please,” hiling niya kay Andres.

“DUMAKULAM este DUMAKULEM @makisig228 ikaw talaga ang peyborit ko, e. Kiss nga kita sa noo!” baling naman niya kay Morales.

Marami ang naaliw sa post ni Romana.

“Such a cutie! HAHAHA! Lumelevel cuteness mo sa ma bagets na yan ate Dimps! HAHAHA nakakaloka ka! Kalog na babaylan!” ani @allaboutangellocsin.

“Hahahaha kyots!” sabi ni @acacsales.

“Nakakaloka ka @dimplesromana, ang husay mo talaga! tawang tawa ako,” kumento ni @gnbib.