Glaiza De Castro at Jak Roberto, magtatambal para sa “Contessa”




Mga larawan mula sa Instagram account ni Glaiza De Castro

Muling nagbabalik sa telebisyon ang Kapuso actress na si Glaiza De Castro matapos ang ilang buwang pamamahinga, mula nang magwakas ang telefantasyang Encantadia.

Bibida si Glaiza sa pinakabagong handog na teleserye ng GMA Kapuso Network na Contessa, katambal ang Kapuso actor na si Jak Roberto.

How I constantly deal with life. #Contessa

A post shared by Glaiza De Castro (@glaizaredux) on

Kumuha ng inspirasyon ang kuwento ng Contessa sa foreign movie na The Count of Monte Cristo dahil iikot ito sa isang babaeng nagngangalang Bea na nakaranas ng kaapihan sa kanyang mga kalaban, at lalamunin ng galit at paghihiganti upang makamit ang minimithing hustisya.

Nitong Marso 5, 2018 ay ginanap ang press conference para sa nalalapit na teleserye nina Glaiza at Jak na papalit sa timeslot ng Ika-6 na Utos sa GMA Dramarama sa Hapon.

Pinabulaanan ni Glaiza na ginaya nila ang konsepto ng Wildflower ng ABS-CBN Kapamilya Network.

Marami na ang nag-aabang sa teleseryeng ito nina Glaiza at Jak sa GMA Kapuso Network.

Kasama rin sa cast sina Geoff Eigenmann, Gabby Eigenmann, Lauren Young, Chanda Romero, Ciara Sotto, Dominic Roco, Tetchie Agbayani, Leandro Baldemor, at marami pang iba.