Dimples sa BFF na si Angel at BF nitong si Neil: Mahal na mahal ko kayo




Mga imahe mula sa Instagram account ni @dimplesromana

Pinasalamatan ng aktres na si Dimples Romana ang BFF niyang si Angel Locsin at ang boyfriend nitong si Neil Arce dahil sa nag-uumapaw na suporta nito sa kanya at sa pelikula nilang My Perfect You.

Sa Instagram, ipinaabot ni Romana ang pasasalamat sa longtime friend niyang si Locsin at sa kasintahan nito.

“Block screening of #MyPerfectYou by my dearest mars @therealangellocsin. Maraming-maraming salamat sa inyo ni @neil_arce (Kahit ayaw n’ya papicture sa ‘kin hahahah ipipilit ko pa rin!) for doing this and for everyone who made time to see this beautiful film with us,” saad niya.

“Thank you. Mahal na mahal ko kayo!” sabi pa ng aktres.

Narito ang full trailer ng My Perfect You: