‘Burger lang pala sagot!’ Bagong JoshLia commercial, kinakiligan at hinugutan




Mga imahe mula sa Instagram video ni @juliabarretto

Kinakiligan at hinugutan ng mga Instagram user ang bagong commercial ng JoshLia; kung saan makikita na hinila ng usok na korteng kamay ang aktor na si Joshua Garcia palapit sa aktres na si Julia Barretto.

Sa Instagram (IG), ibinahagi ni Barretto ang nasabing commercial.

“Our new Jollibee TVC is now out!” aniya sa caption ng video.

[Lumabas na ang bagong Jollibee television commercial namin!]

Maraming IG users ang kinilig.

“Awwww my Joshlia Heart,” ani @ash_arvlo.

“Haysss, ‘di mawala ‘yung ngiti ko while watching this. Ba’t genyern kayo?” kumento ni @aaquilave.

“AY NAKAKAKILIG GRABE! Natural lang, ha! Joshlia!” wika ni @itsmeajajay.

“‘Tong patalastas na ‘to sobrang ganda. Hindi ka magsasawang paulit-ulit mong panourin. Sweet ng Joshlia,” sabi naman ni @reginapalavarn.

At marami rin ang humugot at nagsabing bibili na lang sila ng maraming burger para mapalapit o para balik-balikan ng iniibig nila.

“Makapag-burger nga ‘pag-open ng Jollibee dito. Hahahaha,” sabi ni @tinvega.

“BIBILIHIN KO LAHAT NG YUM BURGER,” kumento ni @josephtaborr.

“Mag-burger ka na lang din para lumapit sa ‘yo si ***. Hahahahaha,” wika ni @catikri, na itinag pa ang kanyang kaibigan.

“Try ko nga mag-open ng yum burger, baka may lumapit din sa ‘king mala-Joshua Garcia! Hahahahaha,” biro ni @kssndrsnts.

Our new Jollibee TVC is now out! ❤️ #LanghapSarap

A post shared by Julia Barretto (@juliabarretto) on

Source :

Instagram