[Video] Natutunan ni Ryza kay Georgia: Huwag ipagsiksikan ang sarili sa taong ‘di ka mahal




Mga imahe mula sa Instagram account ni @iamryzacenon

Ngayong nalalapit na ang pagtatapos ng Ika-6 Na Utos, ibinahagi ng aktres na si Ryza Cenon ang kanyang natutunan mula sa ginampanan niyang karakter na si Georgia.

Ikinuwento ni Cenon sa programang Tonight with Arnold Clavio kung ano ang napagtanto niya sa pagiging si Georgia.

“Huwag makiapid. Iyon lang iyon, e,” aniya.

“Si Georgia kasi ako kaya nakita ko ‘yong hirap niya. Marami namang lalaki diyan e, sa mundo. Bakit mo ipagsisiksikan ang sarili mo sa lalaking hindi ka mahal?” dagdag niya.

Samantala, ang payo naman ni Cenon sa mga lalaki ay makuntento sila sa taong pinili nilang mahalin.

Narito ang buong panayam sa aktres:

Source :

YouTube