“Kalokalike” ni Pangulong Duterte, lumahok sa Pilipinas Got Talent Season 6




Mga larawan mula sa Instagram account ng Pilipinas Got Talent at captured image sa YouTube channel

Ginulantang ang PGT Stage nitong Linggo, Pebrero 4, 2018 nang dumating ang “kalokalike” ni Pangulong Rodrigo Duterte upang magbigay ng kanyang talumpati, na may kasama pang PSG.

Sa episode ng audition na may hashtag na #PGTPangGULO, kinaaliwan ng lahat si Cresencio Estremus, 50-anyos, isang revenue collection officer III ng Manticao Municipal Treasurer’s Office sa Misamis Oriental, sa panggagaya nito sa hitsura, kilos, at paraan ng pagsasalita ni Pangulong Digong.

Tuwang-tuwa naman ang mga PGT judge lalo na si Robin Padilla na kilalang tagasuporta ng pangulo.

Pinayuhan naman siya ni Freddi “FMG” Garcia na magsanay pa siyang gayahin ang boses nito. Hindi naman masyadong nasiyahan si Angel Locsin dahil nakasama at nakilala raw niya ang pangulo kaya alam niya ang eksaktong mga kilos at paraan ng pagsasalita nito. Gayunman, nakapasok pa rin si Estremus matapos makatanggap ng “Yes” sa mga PGT judge.

Bago pa man sumali sa PGT, naitampok na sa mga balita noong 2016 si Estremus sa pagiging hawig nito kay Pangulong Duterte.

Panoorin ang naging performance ni Cresencio Estremus bilang Pangulong Duterte via YouTube channel: