Sunshine, napagod nang singilin ang kaibigang humiram ng P2-M




Imahe mula sa Instagram account ni @sunshinecruz718

Napagod na lamang umano ang aktres na si Sunshine Cruz na singilin ang itinuring niyang kaibigan na umutang umano ng P2 milyon.

Ayon sa Abante, isang kaibigan ni Cruz ang humiram dito ng P2-milyon at nangakong ibabalik kaagad ang nasabing halaga, ngunit hindi tumupad sa kanilang usapang petsa at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabayad.

“A friend will never do such a thing. I think I’ve given her enough time to return/settle what is mine,” dismayadong pahayag ng aktres.

[Hindi gagawin iyon ng isang kaibigan. Sa tingin ko, binigyan ko na siya ng sapat na panahon para ibalik ang sa akin.]

“Hard earned money ito plus ‘yong duma-drama pa sa ibang tao na parang siya ang kawawa. Ang off lang talaga. I just trusted kasi kaibigan ko siya. I gave her enough time. Iniisip ko pa rin kasi ‘yong napagsamahan namin at mga anak niya,” sabi pa niya.

Narito ang isang video tungkol sa palitan ng mensahe ni Cruz at ng kanyang kaibigan: