Richard, ayaw pag-artistahin ang anak na si Zion




Imahe mula sa Instagram account ni @richardgutz

Hindi raw payag ang aktor na si Richard Gutierrez na mag-artista ang kanyang anak na si Zion.

Ayon sa Abante, marami ang naaliw kay Zion bilang ring bearer sa kasal ng isa sa kanilang mga kaanak dahil feel na feel daw ng bata ang participation niya roon. Tuwang -tuwa raw ang mga dumalo sa nasabing kasalan dahil sa paglalakad nito na parang model

At kagaya ng kanyang mga magulang, halos lahat ng mga taong nandoon sa kasalan na iyon ay gustong magpa-picture kasama si Zion.

Matapos ang kasal, napadaan umano si Zion kung saan naroroon sina Mother Lily Monteverde at Malou Choa-Fagar. Ipinakilala raw dito ang mga boss ng Regal Entertainment at TAPE, Inc. Magiliw naman daw na bumati ang bata sa dalawa.

Nararamdaman na raw na gusto na ring mag-artista ni Zion, kaya nae-excite siya kapag nakikita ang dalawang producers ngunit hindi pa niya maaaring gawin dahil ang gusto ng kanyang mga magulang na sina Richard at Sarah ay unahin muna niya ang kanyang pag-aaral.

Samantala, kinagiliwan din kamakailan ang video kung saan kumakanta ng Elvis Presley songs si Zion kasama ang kanyang lolo na si Eddie Gutierrez.

Elvis Presley vibes 🎸 @officialziongutz #ziontheyounglion

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on

Source :

Abante, KDN, Instagram