Mga magulang ni Billy, maaaring ‘di makadalo sa kasal nila ni Coleen




Imahe mula sa Instagram account ni @billycrawford

Malungkot na ibinahagi ng actor-host na si Billy Crawford na maaaring hindi makadalo ang kanyang mga magulang na nasa ibang bansa sa araw ng kasal nila ng aktres na si Coleen Garcia.

Ayon sa Push, walang kasiguraduhan kung makararating ang mga magulang ni Crawford sa kasal niya dahil sa kalagayan ng mga ito.

“I’m not sure. Kasi both of them, medyo malala ‘yong kalagayan nilang dalawa, so I don’t want to dwell and ayoko ring mapunta ‘yong atensyon sa kanila. Actually, hindi sila pinayagan ng mga doctor,” paliwanag niya.

Pipilitin daw nila ng kanyang nobya na puntahan ang kanyang mga magulang sa Texas bago sila ikasal.

“Medyo sad, so baka kami ni Coleen ang umalis papunta sa kanila prior to our wedding out of respect din naman. Actually, kung talagang papipiliin, I prefer them to come in, ‘di ba? Pero kung hindi talaga kakayanin, h’wag pilitin. Baka kung ano pang mangyari, pagsisisihan ko pa,” wika ni Crawford.

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin isinasapubliko ni Crawford ang eksaktong petsa ng kasal nila ni Garcia. Ang sigurado lang ay magaganap ito ngayong 2018.

“Basta this year ako ikakasal. ‘Yong date, not yet muna,” aniya.

Pero may mga nagsasabing ngayong summer gaganapin ang kasalan.

“Tingnan natin, tingnan natin. It’s January turning to Feb., so malapit-lapit na ang panahon. Preparations are almost done, it’s just the guest list na inaayos pa namin. Tulad nga ng reklamo ng lahat, magastos. Medyo mahirap lang talaga sa guest lists, ‘yon ‘yong mahirap, e. We’re planning din kasi to do just a reception din dito sa Manila for the industry friends and families kasi ayoko ring may masaktan dahil pareho rin kaming nasa showbiz. Siyempre, ayaw naman naming… well, there’s a certain amount lang kasi kung saan kami magpapakasal and we want to keep it intimate din,” saad niya.

Samantala, hindi raw ang kanyang kaibigan na si Luis Manzano ang magiging best man sa kanyang kasal ngunit hindi raw ito mawawala sa araw na iyon.

Tungkol naman sa kanilang honeymoon, wala pa raw silang plano dahil sa kanilang mga obligasyon sa trabaho.

Sa magiging anak naman, kagaya ng marami, nais ni Crawford na magkaroon kaagad ng boy and girl kung papalarin.

Source :

Push, PhilStar, Abante