Upang magamit na ng publiko, Duterte pinamamadali na ang pag-apruba sa Telco provider sa bansa sa 2018




Image from PCOO Facebook page

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magamit na agad sa 2018 ang bagong network provider na papasok sa Pilipinas na magmumula sa China.

Ayon sa ulat ng GMA, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inatasan na ni Pangulong Duterte ang National Telecommunications Commission (NTC) at ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na siguruhing gumagana na ang network na ibibigay ng ikatlong telco player sa bansa.

Ipinag-utos ni Duterte sa NTC at DICT na aprubahan ang lahat ng aplikasyon at lisensya na kailangan ng China telecom sa loob lamang ng pitong araw.

The President has instructed DICT and the National [Telecommunications] Commission to ensure that the third telecom provider will be up and about by the first quarter of 2018, the first three months of 2018,” ani Roque.

“If it is not approved within seven days, it is deemed approved. That’s how serious the President is in the entry of a third telecoms player,” dagdag pa nito.

Wika ni Roque, seryoso si Duterte sa hangaring makapagpapasok ng ikatlong telecom player sa bansa upang agad mapakinabangan ng publiko.

Nais ni Duterte na sa unang quarter ng 2018 ay gumagana na ang bagong network.