Richard Gutierrez inaming pinaglilihian ni Sarah: “Lagi akong hinahanap”




Images by Sarah Lahbati via Instagram account

Masayang nagkuwento si Richard Gutierrez tungkol sa pagbubuntis ng kanyang fiancé na si Sarah Lahbati. Aniya sa Pep, “Okay naman, everything is going well. Smooth ang pregnancy ni Sarah.”

Ikinatuwa rin ng mag-asawa na baby boy ulit ang kanilang parating na baby. Excited raw ang buong pamilya nila sa panibagong biyaya. Sabi ni Richard, “Very exciting kasi another boy na naman. Very healthy ‘yung baby. Siyempre another blessing and we’re very happy, very excited.”

Si Sarah ay nasa ika-6 buwan na ng pagbubuntis. Inamin ni Richard na tapos na rin ang mga morning sickness ni Sarah, “Morning sickness? ‘Yung first few months niya, pero ngayon, smooth na.”

Dati pang ibinahagi ni Sarah na si Richard nga ang kanyang pinaglilihian. Sabi pa niya sa Abante, “Kay Chard talaga ako naglilihi. Minsan umiinit talaga ang ulo ko sa kanya.”

Kinumpirma naman ito ni Richard na lagi raw siyang hinahanap ni Sarah. Aniya, “‘Di ko alam, pero parang ganun, e. Ganun ang nararamdaman ko, hinahanap ako lagi.”

“Di ko alam kung dahil naglilihi siya o nami-miss niya lang ako dahil nasa taping ako lagi,” dagdag pa ng aktor.

Binahagi rin ng aktor na may napili na silang pangalan sa kanilang baby boy ngunit, “Mayroon na pero sa tinakdang panahon malalaman ninyo.”

Malapit nang maging kuya si baby Zion.

What really happens before we get “the shot”. 😆 #ziontheyounglion 📸 by @raymundisaac

A post shared by Sarah Lahbati (@sarahlahbati) on