Mga fashionistang aso, tampok sa Paw-shionista Festival




Image capture of video by Bandila via Facebook page

Hindi lamang mga tao ang puwedeng rumampa at magpakita ng pagiging fashionista. Mga aso man ay rumarampa rin!

Iba’t ibang breed ng mga fashionistang alagang aso o “man’s best friend” ang lumahok sa Paw-shionista Festival sa Alcala, Pangasinan nitong Disyembre 2, 2017.

Layunin ng naturang festival na isulong ang responsableng pagmamay-ari ng mga pet, partikular na sa mga aso, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Ito na ang ikawalong taon ng kanilang pagtatampok sa mga fashionistang alagang aso. Noong nakaraang taon, ang Paw-shionista ay isinagawa noong Abril 23, 2016 na may temang national costume ng iba’t ibang bansa.

Ayon sa Executive Director ng Philippine Animal Welfare Society o PAWS na si Mary Anne Cabrera, hindi naman ito lumalabag sa karapatan ng mga hayop, basta’t huwag lamang ipasusuot ang mga damit at iba pang palamuting maaaring makapagpairita sa mga aso, lalo na’t sila ay nasa pampublikong lugar. Kapag nakaramdan ng iritasyon ang mga aso, sila ay may tendensiyang pumalag, kumawala, at makakagat ng kapwa-aso, o maging ng ibang tao.

Ang mahalaga ay pangalagaan natin ang ating mga alagang aso at maging responsable sa kanilang kalagayan. Sabi nga, “Happy dogs, happy owners.”

Iclick ang imahe upang mapanood ang video ng Bandila
Iclick ang imahe upang mapanood ang video ng Bandila