Lolit Solis: “Ang sikreto ng kasikatan ni Maine Mendoza ay ang kanyang pamilya”




Mga larawan mula sa Instagram account ni Lolit Solis

Hindi lamang mga tagasuporta at tagahanga ang nagtatanggol kay Phenomenal star Maine Mendoza kundi pati ang ilang miyembro ng press, kabilang ang beteranang kolumnista at manager na si Lolit Solis.

Alam mo Salve A. duon siguro sa iba hindi nila alam na pag iyon mga mayayaman kahit maliit na bagay pag binigyan mo sila touching sa kanila. Si Kris Aquino kahit card lang basta nagpasalamat ka sa binigay niya ok na , si Vicki Belo Kho bigyan mo pagkain or flowers  happy na , si Mother Lily Monteverde ang saya saya basta may iabot ka sa kanya , naalala ko nag regalo sa kanya ng bangkok santol si Ricky Belmonte nuon kaya naging favorite niya itong ilagay sa pelikula. Bakit naging close sa akin si Salve ? Panay ang regalo niya sa akin ng daing mula Bicol , na siya din dahilan kung bakit Love ko si Rose ngayon dahil panay bigay niya sa akin ng tinapa Mula Bataan . Si Vinia appreciate ko talaga na pag Pasko may regalo siya. Gusto ko rin iyon mga kasama ko pag biyahe na may konting bagay na binibigay sa akin para thank you sa biyahe namin, at type na type ko rin iyon mga nagsasabi ng Salamat o thank you pag may ibinigay ka sa kanila , sabi nga little things means so much happiness , lalo pa nga pag alam mo effort  ng tao para gawin iyon bagay na iyon. Kaya hindi totoo iyon mahirap mag isip kung ano ibibigay , madali lang , ipadama mo ito , give thru the heart #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Makikita sa kanyang Instagram post ang ginawa niyang pagbubunyag sa sikreto kung bakit napakasikat at maraming tagahanga ang sikat na celebrity na nagbakasyon sa South Beach, Florida. Pinasalamatan din niya ang ina ni Maine dahil sa patuloy na pagiging mapagbigay nito kahit sa mga taong hindi nila lubusang kilala.

Salve iyon mommy Maine Mendoza mabait talaga kasi everytime nakakasabay ko siya sa parlor Bambbi Fuentes binabati niya ako kahit mga kapatid Maine. At isang bagay na appreciate ko kahit hindi naman ako kilala yaya Dub iyon bang for 3 years now nakakatanggap ako ng gift mula sa kanila thru Grace of Anabels na ang may ari yata ay bff ng mommy ni yaya Dub. Iyon iba ngang reporter nagtataka kung bakit nabigyan sila di naman sila kilala Maine , siguro dahil na rin sa mother niya na very friendly at mabait. So itanong
mo Salve kung ano isa sikreto ng pagiging sikat ni Maine Mendoza ? Iyon pamilya niya , nasa background but helping out for her PR di bah ? Pag mabait mga miyembro family mo , dagdag iyon sa tagumpay mo . Thank you mommy Dub , really appreciate it. 💕 #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit @mainedcm

Salve iyon mommy Maine Mendoza mabait talaga kasi everytime nakakasabay ko siya sa parlor Bambbi Fuentes binabati niya ako kahit mga kapatid Maine. At isang bagay na appreciate ko kahit hindi naman ako kilala yaya Dub iyon bang for 3 years now nakakatanggap ako ng gift mula sa kanila thru Grace of Anabels na ang may ari yata ay bff ng mommy ni yaya Dub. Iyon iba ngang reporter nagtataka kung bakit nabigyan sila di naman sila kilala Maine , siguro dahil na rin sa mother niya na very friendly at mabait. So itanong mo Salve kung ano isa sikreto ng pagiging sikat ni Maine Mendoza ? Iyon pamilya niya , nasa background but helping out for her PR di bah ? Pag mabait mga miyembro family mo , dagdag iyon sa tagumpay mo . Thank you mommy Dub , really appreciate it. #instatalk #lolitkulit #70naako #jolit @mainedcm

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Sinasabing magbabalik si Maine Mendoza sa Eat Bulaga sa Enero 2018.