Dela Rosa sa mga kaanak ng biktima at sumuko sa war on drugs: ‘Move on, walang forever!’




May mensahe si retiring Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa mga kaanak ng biktima ng war on drugs ngayong Pasko.

Ayon sa ulat ng Inquirer, sinabi ni Dela Rosa sa mga sumuko at kaanak ng biktima ng drug war na mag-move na lamang dahil walang forever.

Sana tayo bilang mga Kristyano o anong relihiyon, itong panahon ng Pasko, gusto namin na sana kahit paano mapapaluwag ‘yung damdamin niyo dahil ayaw namin na forever tayong may sama ng loob,” ani Dela Rosa sa gift-giving program PNP nitong Sabado.

Sana mag-move on na tayo. Walang forever.”

“Kalimutan na natin ‘yung mga masasamang nangyari alang-alang sa mga bata,” dagdag pa nito.

Nasa 1,100 miyembro ng pamilya at mga kabataan ng kanilang kaanak na namatay o sumuko sa war on drugs ng gobyerno ang nakinabang sa Christmas program.

Paliwanag  ni Dela Rosa sa mga kabataang dumalo sa event na para sa kanila ang drug war ng pamahalaan.

Alam ko karamihan sa inyo nasasaktan na may nakakulong o napatay sa aming anti-drug operations. Kung ‘yan ay masakit, masakit rin sa amin na nangyari ‘yan,” ani Dela Rosa.

As of August 2017, tinatayang nasa 3,451 “drug personalities” ang napaslang sa kontrobersyal na war on drugs.

Panoorin ang ulat na ito ng Inquirer para sa iba pang detalye: