‘2 Pangulo lamang ang nagbigay ng atensyon sa pangangailangan ng mga sundalo: Ako at si Marcos’ — Duterte

Image from PCOO Facebook page

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalawang commanders-in-chief  lamang ang nagbigay ng atensyon sa pangangailangan ng mga sundalo – siya at si Ferdinand Marcos.

Ayon sa ulat ng GMA, ito ay inihayag ng Pangulo sa pagbisita nito sa Camp General Teodulfo Bautista sa Jolo, Sulu.

Never was a time na walang ibang — hindi ako nagyayabang. Walang ibang presidente, dalawa lang, ang pagbigay na atensyon na kinakailangan para sa isang sundalo. Ako lang pati si Marcos,” ani Duterte.

Marcos was also a lover of soldiers,” dagdag pa nito.

Sinabihan din ng Pangulo ang mga sundalo na ang kanilang dagdag sahod ay magre-reflect na sa kanilang mga payroll.

Sa pagbisita ng Pangulo, ginawaran nito ang mga sundalong nakipaglaban sa Marawi ng Order of Lapu-Lapu at Kampilan medals.

Namahagi rin  ang Pangulo ng personal sidearms sa mga sundalo upang pandepensa sa kanilang mga sarili laban sa mga komunistang rebelde kapag sila’y umaalis ng kampo.

Sinabi rin nitong sasagutin niya ang mga handa sa Christmas party sa mga sundalo sa naturang kampo at inanyayahan ang mga sundalong Muslim na makiisa pagdiriwang ng Pasko ng mga Kristiyano.

Nangako rin ang Pangulo na ipadadala nito sa Hongkong ang mga naiwang sundalo sa kampo.

Uuwi ba halos kayong lahat? Kasi ‘yung magpaiwan, tiis lang kayo. Hong Kong ang prize ninyo basta magpa-iwan dito. Hindi pwedeng magdala ng asawa. Kabit lang,” ani Duterte.

Sige ‘yung maiwan lang dito sa kampo hindi ko naman kayo mapadalang lahat. Maybe one or two or three or four. Magandang collection, ‘di lahat,” dagdag pa nito.

Bago lisanin ni Duterte ang kampo, namahagi ito ng mga relo sa bawat sundalo.

Panoorin ang ulat na ito ng State of the Nation para sa iba pang detalye: