Paolo Ballesteros: Hindi araw-araw ay Pasko kaya maging thankful tayo




Image via Instagram account of pochoy_29

“Natuto na akong huwag mag-complain dahil ayokong bawiin ni Lord and mga blessings na ito. Kaya maging thankful tayo parati, ‘di ba? Hindi araw-araw ay Pasko.”

Lubos na nagpapasalamat si Paolo Ballesteros sa sunod-sunod na trabaho na ginagawa niya sa telebisyon at maging sa pelikula.

Ayon kay Paolo, wala raw siyang dahilan upang magreklamo kahit na ‘lagare’ ang kanyang schedule.

Tila si Paolo ang pinaka-in demand na komedyante sa kasalukuyan dahil bukod sa “Eat Bulaga” at “The Lolas’ Beautiful Show” ay may tatlong pelikula ang aktor, ayon sa ulat ng PEP.

Ani Paolo: “First time na nangyari sa akin ang ganitong ka-ngarag na schedule, pero ‘di naman tayo nagrereklamo.”

Pagpapatuloy niya: “Maraming artista ang walang work, dapat thankful ako na nandiyan ang trabaho sa akin parati.”

Paliwanag pa niya: “May time na mawawala ang mga ito, pero kahit gayun pa man, magpasalamat pa rin tayo.”

Bukod sa TV show ay halos magkasabay din ginawa ni Paolo ang mga pelikula na: “Trip Ubusan: The Lolas Vs. Zombies” at “Barbi D’ Wonder Beki” at nabigyan din siya ng schedule para sa “Amnesia Love”.

Kuwento niya: “Nakakapagod talaga ang maglagare, kasi from one set to another, tapos another na naman. Tapos, sabay pa diyan ang taping namin ng “The Lolas Beautiful Show” at live pa kami sa “All for Juan, Juan For All” segment sa “Eat Bulaga”.

Ani Paolo, dahil sa magkakasunod na shootings niya ay halos sa sasakyan na raw siya natutulog.

Pages ( 1 of 2 ):
1
2Next Page »