Kasunduan sa ASEAN summit, mahalaga sa usapin sa West Phl Sea, kalakalan, paglaban sa terorismo at mga aksyon ng NoKor

Image via Facebook page of ASEAN 2017

Mahalaga ang kahihinatnan ng mga kasunduan ng mga lider ng iba’t ibang bansa sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit sa usapin kaugnay sa West Philippine Sea, kalakalan, pagsugpo sa terorismo at mga aksyon ng North Korea.

Higit na mabigat ang impact ng pangkat kumpara sa iisang bansa lang ang nagsasalita hinggil sa anumang international issue; ito ay ayon sa ilang political analyst na nakapanayam ng Bombo Radyo.

Ani UST Professor Edmund Tayao, gayundin sa Europa ay may kaisahan din ang mga bansa sa pagtutulak ng iba’t ibang isyu, at importante rin umano ito sa pang-ekonomiya ng mga miyembrong bansa ng ASEAN.

Paliwanag ni Tayao: “Halos trading talaga ang sentro ng mga usapan dito. Pero hindi malayong matalakay din ang ibang regional issues, kasama na ang security. But primarily, economy talaga ang tinututukan ng mga grouping na ito.”

Inaasahan naman ni dating National Security Adviser at dating Paranaque City Rep. Roilo Golez na si Pangulong Rodrigo Duterte, bilang chairman ng ASEAN, ay gagamitin ang kapangyarihan nito para sa kapakinabangan ng maliliit na claimant sa West Philippine Sea.

Dagdag pa ni Golez, hindi dapat umasa sa ‘good faith’ ng China sa isyu sa pag-angkin ng West Philippine Sea sapagkat dahil sa simpleng deal nga ay hindi uubra at wala umanong garantiya.

Ani Golez: “Sinabi ng presidente na hihingi ng clarification kay Chinese President Xi Jin Ping hinggil sa mga isyu. Kasi may ilang nag-aalala na parang babalewalain natin ang West Philippine Sea issue.”

Maging si Albert del Rosario, dating head ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ang umano’y puspusang kumilos para sa claim ng West Philippine Sea, ay umaasa na sasamantalahin ni Duterte ang pagkakataon na mapanindigan ang laban ng bansa sa nasabing teritoryo.

Aniya: “I think the Philippines is in a position to set agenda. [The country] should exercise its leadership by making sure that the agenda is exactly what we would want it to be and not be dictated to by China.”

Samantala, sina Tayao at Golez ay kapwa nanindigan na hindi na kailangan pang makialam ng Pilipinas sa gulo ng Amerika at North Korea, ngunit maaaring magsilbing tulay ang Pilipinas upang manawagan para sa kapayapaan, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Ani Golez: “Sinabi ng presidente na hihingi ng clarification kay Chinese President Xi Jin Ping hinggil sa mga isyu. Kasi may ilang nag-aalala na parang babalewalain natin ang West Philippine Sea issue.”

Samantala, tunghayan ang preparatory meeting sa ASEAN summit: