3 Abu Sayyaf ******** sa planong pag-atake sa ASEAN Summit




Imahe mula sa Twitter account ni Maan Macapagal

******** ang tatlong hinihinalang miyembro ng Abu Sayyaf sa diumano’y planong pag-atake  sa Maynila bago ang ASEAN Summit nitong linggo.

Ayon sa ulat ng ABS CBN, nasamsam mula sa mga suspek ang baril, ammunition, at granada nang sila’y maaresto sa Quezon City nitong Nobyembre 10. Ang mga world leaders mula sa  Asia Pacific kabilang si US President Donald Trump ay dumating sa bansa noong Nobyembre 12.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald dela Rosa, ang mga suspek ay kinilalang sina Abdulgaffar Jikiri, Alim Sabtalin at Sadam Jhofar.

“Sila ay nahuli dahil nga sa ating pagbabantay sa ASEAN. Natataon na dumating sila dito prior to ASEAN. Alangan naman aatake ka sa ASEAN after ASEAN?” ayon kay Dela Rosa.

It should be for the whole day of ASEAN kung may balak ka kaya nga sila namonitor,” dagdag pa nito.

Hindi muna isinapubliko ang pag-aresto sa tatlong suspek upang maiwasan umano ang:  ‘unnecessary anxiety’ sa publiko.

Tunghayan ang ilang larawan kaugnay sa ulat na ito mula sa Twitter account ni Maan Macapagal:

Source :

Twitter, ABS CBN, GMA