Duterte at Abe, nagkasundo sa pagtugon sa tensyon sa North Korea 

Image by King Rodriguez, Malacanang Photo

Nagkaisa umano sina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa pagtugon sa tensyon sa North Korea.

Kaugnay nito, napagkasunduan ng dalawang lider na magkaroon ng kooperasyon ang Pilipinas at Japan.

Kapwa rin silang nagkaisa sa paglutas sa abduction ng mga pirata sa Indo-Pacific at gayundin sa kanilang hakbang laban sa ilegal na droga at terorismo, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Ayon kay Abe, importante ang estratehikong ugnayan ng Japan at Pilipinas sa rehiyon lalo’t kapwa maritime nation ang dalawang bansa.

Aniya: “I conformed with President Duterte that we are both maritime nations sharing basic values and strategic interests.”

Dagdag pa niya: “And as such, Japan and the Philippines will cooperate to address common issues such as North Korea nuclear and missile issue and the only resolution of the abduction issue and realization of a free and open Indo-Pacific and also counter measures against terrorism and illegal drugs. Inclusive of these issues, we will cooperate to address common issues in the region.”

Bukod pa sa napagkasunduan ng dalawang lider, nangako ng tulong ang pamahalaan ng Japan para sa pagbangon ng Marawi City mula sa limang buwan na bakbakan sa pagitan ng mga sundalong Pilipino at teroristang pangkat, ayon sa inisyal na ulat ng Balita DF.

Sinelyuhan din nina Duterte at Abe ang $6-bilyon na halaga ng mga bagong investment ng Japan sa Pilipinas, ayon sa ulat ng DWIZ 882 AM.