Dapat mayroong kumausap kay Kim Jong Un – Pang. Duterte

Image capture of video by RTVM

Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na dapat umanong may kumausap sa lider ng North Korea na si Kim Jong Un upang sabihin na walang nagbabalak na alisin siya sa puwesto at wasakin ang kanyang bansa.

“A nuclear war is totally unacceptable to everybody. And somebody has to talk to Kim Jong Un,” ani Pangulong Duterte bago siya lumipad para sa dalawang araw niyang pagbisita sa Japan.

[Hindi katanggap-tanggap para sa lahat ang nuclear war. Kailangang may kumausap kay Kim Jong Un.]

Ayon sa Philstar, sinabi ng Pangulo na isa sa mga isyu na pag-uusapan nila ni Japanese Prime Minister Shinzo Abe sa Tokyo ay ang banta ng nuclear war ng North Korea. Pag-uusapan rin nila ito ni US President Donald Trump sa pagbisita nito sa Maynila sa susunod na buwan.

Suhestyon ng Pangulo na kumbinsihin ng Amerika, Japan, South Korea at iba pa si Kim Jong Un na walang  sinuman ang nagbabanta sa kanila.

Dagdag pa ni Pangulong Duterte, tanging ang China lang ang makapagpapakalma kay Kim Jong Un.