‘Todo na ‘to!’ Rufa Mae, bumalik na sa pag-aartista; ‘di na raw kailangan ng Vicks para makaiyak




Mga imahe mula sa Instagram account ni @rufamaequinto

Pagkatapos ng halos pitong buwang pamamahinga, nagbalik na ang komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa pag-aartista.

Sa pagkakataong ito, sasabak na siya sa heavy drama.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, bumalik na si Quinto sa pag-aartista sa pamamagitan ng palabas sa ABS-CBN na Ipaglaban Mo, ngayong Sabado, Setyembre 23, pagkatapos ng It’s Showtime.

Ito ang kauna-unahang paglabas niya sa isang programa sa Kapamilya Network, matapos ang mahabang panahon bilang isang Kapuso actress.

Bukod dito ay sasabak siya sa heavy drama na itinuturing niyang isang malaking hamon dahil nakilala siya bilang isang komedyante.

Ngunit hindi naman daw siya gaanong nahirapan dahil inalalayan siya ng direktor na si Dado Lumibao. Marami raw siyang natutunan dito sa pag-arte.

Ipinagmamalaki niya na hindi na niya kinailangang maglagay ng Vicks upang umiyak.

“Totoo na iyong tears ko… dati Vicks lang,” kuwento niya habang tumatawa.

Humugot na lamang daw siya sa kanyang karanasan bilang isang ina para mabilis siyang umiyak.

Ipinapangako ni Quinto na ibang Rufa Mae ang mapapanuod sa Ipaglaban Mo.

Panoorin ang ibinahaging panayam ng TWBA: