Sanya Lopez, lumalaki na ang ulo dahil sa kasikatan?




Image via Sanya Lopez's Instagram account

Pinasaringan umano ni ER Ejercito ang aktres na si Sanya Lopez kaugnay sa hindi nito pagdalo sa presscon nila ng anak ni Ejercito na si Jerico Estregan.

Ayon sa PEP, ikinalungkot ni Estregan ang hindi pagdalo ni Lopez sa presscon ng pelikula nila na Amalanhig; isang vampire action movie na sisimulan nang ipalabas sa mga sinehan ngayong September 20.

“I feel sad that she won’t be here today, but I still hope for the best, in the succeeding promotions of the movie,” ani Estregan.

Hindi raw nakarating sa presscon ng nasabing pelikula si Lopez dahil nagkaroon daw ng conflict sa kontrata ng aktres sa GMA Network.

Samantala, may patutsada ang ama ni Estregan.

“Sikat na e! Kapag sikat na, nagbabago ang lahat,” wika ni Ejercito.

Inisip naman ni Estregan na marahil ay hindi lang talaga ito pinayagan.

Ikinuwento pa ng aktor kung ano si Lopez pagdating sa set.

“Okey naman siya sa set. She’s very contagious. She’s easy to talk to, she’s down to earth, and dahil sa ganoong characteristic niya, she’s able to blend on the set without pressure or awkwardness,” pahayag niya.

Sa ngayon, umaasa si Estregan na mai-promote ni Lopez ang kanilang pelikula sa pamamagitan ng social media.

Narito ang Facebook live streaming interview ni DJ Choi at Bong Dureza kina Jerico Estregan  at Gov ER Ejercito:

Panoorin ang trailer ng Amalanhig: