Revilla, nananabik nang gumawa muli ng pelikula




Imahe mula sa Facebook account na Ramon Bong Revilla Jr.

Bago sumabak sa politika, matagal munang naging artista ang dating senador na si Bong Revilla — kaya marahil isa ang pagbabalik sa showbiz sa mga pinakakinasasabikan niya.

Ayon sa Abante, kasama ang mga mahal niya sa buhay, ipinagdiwang kamakailan ni Revilla ang kanyang kaarawan sa custodial center sa loob ng Camp Crame. Tatlong taon na rin na sa piitan nagdiriwang ng kaarawan ang aktor.

Matagal-tagal na rin ang tatlong taon. Sa katunayan, miss na miss at gusto na raw ni Revilla na makagawa na muli ng mga pelikula at TV show. Bukod sa hilig nito sa pag-arte, malaking tulong din daw ito sa mga malilit na manggagawa sa showbiz.

Ngunit hindi pa ito magagawa ngayon ng dating aktor. Sa kasalukuyan, positibo lamang ito habang nasa loob pa rin ng piitan.

Kuwento nga ni  Dra. Vicki Belo, minsan ay dinalaw niya ang aktor kasama ang kabiyak niyang si Hayden Kho. Kahit daw nasa bilangguan ay maganda pa rin ang aura nito at sobrang positibo ang dating. Sa kabila kasi ng mga pinagdadaanan nila ng kanyang pamilya, lagi pa rin daw itong nakangiti.

51st birthday

Bago pa dumating ang kaarawan ni Revilla, na noong Setyembre 25 talaga, nabati na ito ng kanyang pamilya at mga tunay na kaibigan. Bandang tanghali noong Linggo, Setyembre 24, ay binisita siya ng mga ito sa kulungan.

Kahit sa Davao City na naninirahan ang panganay na anak na babae ni Revilla at Lani Mercado, lumuwas pa rin si Ina at isinama pa nito ang kanyang buong pamilya.

Dumalaw din umano noong bandang hapon ang aktres na si Jodi Sta. Maria, na rumored girlfriend ng anak niyang si Cavite Vice Governor Jolo Revilla. Galing pa raw ito noon sa isang endorsement pictorial. Sobrang malapit si Sta. Maria sa pamilya Revilla.

Throwback. Si Revilla ay gumanap noon bilang ang Panday: