Recto nanawagang itaas sa P1 M ang tulong pinansiyal sa mga nasugatang sundalo’t pulis sa Marawi




File photo

Nanawagan si Senador Ralph Recto para sa karagdagang tulong pinansiyal sa mahigit isang libong nasugatang sundalo sa gitna ng bakbakan sa Marawi City.

Ayon sa ulat ng GMA, nais ni Recto na maging kwadruple ang P250,000 na tulong pinansiyal sa P1 million.

I think for grave injuries, like multiple amputations, loss of sight, dapat dagdagan pa natin, gawing P1 million. At igarantisa ang habambuhay na alaga at hospitalization,” ayon kay Recto.

If the injuries sustained by the wounded are so severe that they would require lifetime care and assisted living, then it is time to review if existing policies are enough to provide those,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng Comprehensive Social Benefits Program (CSBP), ang mga nabaldang sundalo’t pulis ay dapat makakuha ng  one-time financial assistance na P250,000. Sa mga nagtamo ng minor at major injuries ay dapat tumanggap ng P100,000.

Ang panawagang pagpapalaki ng CSBP ni Recto ay base sa tinatayang 681 napatay na pulis o mga nasugatan sa buong taon.

Wika ng Senador, ang bilang ng mga nasugatang sundalo ay aabot sa 845 noong Hulyo 22 batay sa Armed Forces of the Philippines.

Ngunit base sa mga ulat sa media, ito ay nasa 1000, ani Recto.

They are casualties too. They may not have paid the ultimate sacrifice to keep the peace, but their valor and courage are no less fierce,” saad pa ni Recto.

Source :

GMA, Politiko