Pamahalaan ng Pilipinas, nagpahayag ng pagkabahala sa hydrogen bomb testing ng NoKor




File photo and public domain

Nagpahayag ng pagkabahala ang pamahalaan ng Pilipinas sa hydrogen bomb testing ng North Korea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), banta ito sa kapayapaan sa rehiyon.

Hinikayat ng DFA ang North Korea na bumalik sa negotiating table at handa raw umano ang ASEAN na tumulong tungkol dito.

Nasa Seoul South Korea naman si Foreign Secretary Alan Peter Cayetano para sa isang official visit, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Nakipagkita si Cayetano kina Foreign Affairs Assistant Secretary for Asia Pacific Affairs Millicent Cruz Paredes at Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez upang pag-usapan ang sitwasyon sa Korean Peninsula.

Tiniyak naman ni Cayetano sa Filipino community sa South Korea na may nakahanda ng plano ang pamahalaan sakaling lumala pa ang tensyon sa rehiyon.

Samantala, nagsagawa naman ang militar ng South Korea ng isang live-fire exercise nitong Lunes bilang tugon sa nuclear test ng North Korea, ayon sa ulat ng CNN.

Sa pahayag ng South Korea, may mga senyales pa silang nakikita na sa mga susunod na araw ay magpapatuloy pa ang pagsubok ng North Korea ng mga intercontinental ballistic missile (ICBM), ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: