Noven Belleza, naging emosyonal habang nagpapasalamat sa kanyang pamilya at mga tagahanga




Image via Instagram account of bellezanoven

“Maraming salamat at hindi ninyo ako binitiwan. Maraming humusga sa akin pero hindi n’yo ako hinusgahan.”

Naging emosyonal si Noven Belleza, grand champion ng “Tawag ng Tanghalan”, habang nagpapasalamat sa kanyang pamilya at mga tagahanga.

Ani Noven: “Ngayon, ito na ang pagkakataon ko na pasalamatan kayo, maraming maraming salamat. Ngayon ay lubos ko nang naiintindihan ang aking responsibilidad sa inyo, maraming salamat.”

Tuluyan ding lumuha ang singer, matapos makatanggap ng sulat mula sa kanyang ina, ayon sa ulat ng Magandang Buhay.

Nangako naman ang singer sa kanyang pamilya na hindi siya hihinto sa pagkalinga sa kanila.

Aniya: “Hanggang may buhay ako, may lakas ako, at may boses ako, patuloy akong aawit para sa ikabubuti ng pamilya natin at mabigyan ko kayo ng maayos na buhay.”

Humingi rin ng paumanhin si Noven sa kanyang mga magulang dahil sa nangyaring pagsubok sa kanilang buhay.

Aniya: “Pa, Ma, pasensiya na kung napagdaanan natin ang lahat ng ito, wala din namang taong hindi dumaan sa pagsubok sa buhay. Naniniwala din ako na walang ibibigay na pagsubok ang Panginoon na hindi natin kakayanin.”

Sa inisyal na ulat ng PEP, sobra naman ang kasiyahan ni Noven dahil na-dismiss na ang kanyang kaso.

Panoorin ang iba pang detalye sa mga video na ito:

Click the image to watch the video from ABS-CBN