Nash sa hiwalayan ng mga magulang: Sa huli, malalaman mo kung bakit pinaranas ‘yon sa ‘yo ng Diyos




Imahe mula sa Facebook page ni Nash Aguas

Isang matatag at positibong Nash Aguas ang umamin tungkol sa hiwalayan ng kanyang mga magulang na sina Allan at Net Aguas.

Ayon sa PEP, umamin si Nash na naghiwalay na ang kanyang mga magulang. Naniniwala raw siya na ang pamamalagi ng kanyang ama sa ibang bansa ay kabilang sa mga dahilan kung kaya’t nagkalamat ang relasyon ng mga ito.

“Kasi ‘yung dad ko, nasa States siya ngayon. Separated din sila ni Mommy. Ngayon, madali na para sa akin na sabihin kasi medyo matagal na, and naging maayos na rin po kami ni Daddy,” wika ni Nash.

“Parang lagi siyang nasa States…Siyempre po, malungkot. Actually, nung wala siya, kinailangan ko mag-step up para maging tatay din sa kapatid ko at sa mommy ko,” dagdag niya.

Bukod dito, hindi na niya idinetalye ang iba pang naging dahilan.

Si Nash ang panganay na anak at mayroon siyang nakababatang kapatid na si Chloe. Naranasan daw ng aktor ang sobrang hirap sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang ngunit ito rin daw ang nagpatatag sa kanya.  Sa ngayon, positibo na siya at nakakapit sa pananalig sa Panginoon.

“Grabe, akala ko wala na. Gano’n ‘yong pakiramdam, e. Pero kasi, siguro ‘yong mga naka-experience or makaka-experience no’n, tiwala lang. Dahil, at the end of the day, malalaman mo kung bakit pinaranas sa ‘yo ni Lord yun,” aniya.

Nais niyang tumutok na lamang sa magandang naging epekto nito sa paghubog ng kanyang pagkatao.

“Kung hindi ko naranasan ‘yon, baka tulad lang ako ng ibang kabataan na walang pakialam sa pamilya or party lang nang party, walang sense of responsibility,” wika niya.

Nakausap na raw ni Nash ang ama nang umuwi ito sa Pilipinas. At ang mahalaga raw, nagkabati na sila.

Nakaalalay siya ngayon sa kanyang ina at nais niyang masiguro na hindi ito nahihirapan. Nasa 40’s na rin daw ito kaya’t ayaw niyang intindihin pa nito ang mga nangyayari.

“Gusto ko mag-relax na lang siya. Maski sa kapatid ko, ako na lang rin [ang umaalalay],” pagbabahagi ng aktor.

Kamakailan ay nagbukas si Nash at ang ‘Goin’ Bulilit’ co-star niya na si Carl Barrameda ng isang restawran: