Lalaking ‘kinuyog’ ng bubuyog, nagtala ng panibagong Guinness World Record




Image capture mula sa video ng CBC News via You Tube

Walang takot sa bubuyog!

Isang lalaki sa Canada ang nagtala ng bagong world record matapos mabalot ang kaniyang mukha ng mga bubuyog.

Ayon sa ulat ng CBC News, naitala ni Juan Carlos Noguez Ortiz ang Guinness World Record para sa pagkakaroon ng “bee beard” o tila balbas na mga bubuyog matapos hayaang dapuan siya sa mukha ng mga bubuyog sa loob ng 61 minuto o mahigit isang oras sa Yonge-Dundas Square.

Kalmado lamang si Ortiz kahit pa ramdam na raw niya sa mukha ang bee sting o ang masakit na pagpasok ng stinger ng bubuyog sa balat ng tao.

I wanted to show people that they don’t have to be scared of the bees,” ani Ortiz.

Nahigitan  naman ni Ortiz ang dating may hawak ng record nitong bee beard matapos niyang malagpasan  ang 53 minuto at 34 segundo.

Wika ni Ortiz, dalawang beses niya munang sinubukang magpakuyog sa mga bubuyog bago tuluyang hamunin ang world record.

Panoorin ang ulat na ito ng CBC News: