Wish ni Barbie Forteza sa kaniyang candle balloon, kumpirmasyon na nga ba ng kaniyang relasyon kay Jak Roberto?




Image via Facebook page of JakBieOfficial and via Instagram account of barbaraforteza

Ito na nga ba ang kumpirmasyon ni Barbie Forteza sa relasyon na namamagitan sa kanila ni Jak Roberto?

Kinilig nang husto ang ilan sa mga netizen na sumusubaybay kay Barbie nang mag-post ito sa kaniyang social media account kung saan ipinakita niya ang kaniyang wish na nakasulat sa isang candle balloon sa America.

Makikita sa Instagram post ng aktres ang wish nito sa kaniyang candle balloon na: “Monay at Pandesal Sana Magtagal.”

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza) on

Ayon sa ulat ng PEP, ‘monay’ ang tawag ng aktres sa kaniyang sarili dahil sa bilugan niyang mukha at ‘pandesal’ naman ang tawag niya kay Jak na tinaguriang ‘Pambansang Abs’.

Sa Rensselaer, Indiana USA pinalipad ni Barbie ang kaniyang candle balloon kung saan dito ginaganap ang taunang “Shine Festival”.

Bukod sa kinilig ang kanilang tagahanga ay bumuhos din ang maraming positibong komento sa post ni Barbie.

Nagsimula namang lumabas ang usap-usapan na nililigawan ni Jak si Barbie nang matapos ang primetime series nila na “Meant To Be” sa GMA.