[Video] DFA: Isinusulong ng Pilipinas ang diplomatic solution sa pagitan ng Guam at North Korea




Larawan mula sa Alan Peter Cayetano via Facebook page

Patuloy na isinusulong ng Pilipinas ang diplomatic solution sa pagitan ng Guam, USA at North Korea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nagtatrabaho ang mga diplomat ng Pilipinas sa iba’t ibang bansa upang maiparating ang adhikain ng bansa.

Ganun pa man, sinabi ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano na mas mainam na handa ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Cayetano, hinihikayat ng bansa ang lahat ng panig upang maging bukas sa dialogue.

Panawagan din ng kalihim sa mga Pilipino na nasa Guam na makipag-ugnayan sa konsulado ng Pilipinas at gawin lamang ang kanilang ordinaryong ginagawa sa araw-araw.

Ipinayo rin ng kalihim sa mga kababayan sa Guam na magdasal at maging laging handa, ayon sa ulat ng Balitanghali.

Paliwanag pa ni Cayetano: “Rest assured whether professional diplomats, whether retired diplomats, ah minsan nagko-convert even dun sa defense establishments around the world, nagko-convert ‘yan to be able to find a solution so walang natutulog sa region natin and sa around the world na makapaghanap ng diplomatic solution dito but preparing does a lot, worrying does nothing.”

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, tiniyak ng Department of National Defense (DND) na nakaalerto sila sa anumang kaganapan na makaaapekto sa bansa sakaling ituloy ng North Korea ang missile attack sa Guam.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: