Rocco, bumalik sa mga lugar na binisita nila ng ex-GF na si Lovi para gumawa ng ‘better memories’




Imahe mula sa Facebook

Kung ang iba ay umiiwas sa mga lugar na minsan nilang pinuntahan kasama ang dating kasintahan, ang aktor na si Rocco Nacino ay bumalik sa Europe — kung saan sila noon nagbakasyon ng kanyang ex-gilfriend na si Lovi Poe — upang gumawa ng mas magagandang alaala.

Ayon sa PEP, isang linggo ang naging bakasyon ni Nacino sa Europe. Mag-isa lang daw itong nagbakasyon ngayon; pumunta raw muna ito sa Amsterdam, capital city ng the Netherlands, bago dumiretso sa Belgium para sa isang music festival.

Naitanong sa kanya kung may naalala ba siya noong nasa Europe siya.

“New memories, better memories,” tugon niya. “It was a good breather for me, handang-handa na akong mag-work pagdating e.”

Samantala, sa buwan ding ito babalik ng Europe si Nacino at ang makakasama niya ay ang kanyang pamilya.

“Sila Mommy, marami silang pupuntahan, Rome and Austria lang ako. Sila may Paris pa, may UK pa. Hindi ko kayang tapusin lahat kasi kailangan ko pang mag-taping. Sa Rome at Austria lang kami magkakasama kasi gusto kong ma-experience ni Mommy ‘yong Vatican, e,” kuwento ni Nacino.

Ito pa lamang daw ang pagkakataon na mag-eenjoy siya kasama ang pamilya dahil sa mga nagdaang taon ay nobya niya ang lagi niyang kasama na mangibang-bansa.

“Well, that doesn’t mean naman na bad memories ‘yon. This time, I’m gonna make sure that they’re better memories,” wika niya.

[Pero hindi naman ibig sabihin masasamang alaala ‘yon. Sa pagkakataong ito, sisiguraduhin ko lamang na mas magagandang alaala ang mabubuo.]

Source :

PEP, GMA, PhilStar