Pabahay, trabaho naghihintay sa mga susukong miyembro ng NPA – Duterte

Image from DFN Files

Pabahay at trabaho ang naghihintay sa mga susukong miyembro ng New People’s Army (NPA); ito ay ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Kung ‘yung mga NPA, mag-surrender sila, meron kaming housing projects, Inday (Davao City Mayor Sara Duterte) has about 1,000 units. Ako may 1,000 units din. If they want to stop fighting, ‘yung gusto, all you have to do is drop your weapon, give it to your leader and come down,” ani Duterte sa kanyang ika-23  anibersaryo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Di ko naman kailangan ‘yan, maraming baril ang bayan. At I’ll give you a job, automatic may trabaho sila. And I’ll give you a space, instead of giving to the soldiers muna,” saad pa ni Duterte.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa gitna ng kaguluhang sumiklab sa iba’t ibang panig ng bansa sa pagitan ng militar at ng NPA habang suspendido pa rin ang usaping pangkapayapaan sa magkabilang panig; ayon sa ulat ng ABS CBN.

Itong mga Left, they blow hot and cold, hayaan mo na muna ‘yan sila. But we could have saved a lot of money kung wala itong mga away na ito. Sayang eh, we could use the money for many, many [projects], lalo na land reform,” wika ni Duterte.

Muling naudlot ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at komunistang National Democratic Front of the Philippines (NDF) dahil sa patuloy na pag-atake ng mga NPA sa kabila ng patuloy na negosasyon.

Matatandaang inalok din ni Duterte na maging sundalo ang mga susukong miyembro ng NPA.

Panoorin ang ulat na ito ng ABS CBN: