Jolo Revilla, tatakbong senador sa 2019?




Imahe mula sa Facebook

Marami ang napapaisip ngayon sa posibilidad ng pagtakbo ni Bacoor Vice Gov. Jolo Revilla sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan sa 2019 election.

Ayon sa Pilipino Star Ngayon, kaugnay sa kanyang pagtatapos ng crash course sa Lee Kuan Yew School of Public Policy sa Singapore, may mga nagsasabing sa Senado na ang susunod niyang tatakbuhan o kaya naman ay bilang gobernador ng Cavite.

Nagbigay ng pahayag ang kanyang ina na si Lani Mercado kaugnay sa usap-usapan.

“Ang pag-aaral po ni Vice Gov. Jolo sa Lee Kuan Yew sa Singapore ay programa po ng Vice Governor League of the Philippines,”  paliwanag ng actress-politician.

“Kung saan man ang tatahakin ng landas in the future, that would be all up to him. Kung ano ang ididikta ng Panginoon sa kagustuhan kung saan siya dadalhin,” dagdag pa ni Mercado.

Samantala, magiging bahagi umano ng isang malaking event sa Bacoor si Jolo, kung saan ire-reenact nila ang Bacoor Assembly na naganap noong 1898.

Samantala, panoorin ang video kung saan nagdiwang ang aktor ng kaarawan kasama ang daycare children: