Bawat manok na kakatayin ng may-ari dahil umano sa bird flu outbreak, babayaran ng P80 ng DA




File photo

Bawat manok na kakatayin ng may-ari dahil umano sa bird flu outbreak ay babayaran ng P80 ng DA.

Ipatutupad ng DA ang bahagi ng compensation package dahil umano sa bird flu outbreak simula Agosto 15, 2017.

Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, kung kinakailangan ay nakahanda raw ang pamahalaan na magbigay ng karagdagang financing assistance sa mga apektadong magsasaka.

Aminado ang kalihim na kailangang isaalang-alang na may posibilidad na walang kikitain ang mga magsasaka.

Ang pagkawala ng kabuhayan ng mga magsasaka dahil umano sa bird flu ay maaaring umabot ng tatlo hanggang apat na buwan, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Humingi rin ng pang-unawa si Piñol sa mga apektadong magsasaka dahil umano sa bird flu.

Aniya: “Ako po’y humihingi ng pang-unawa sa mga magsasaka. Ito po’y para sa kapakanan natin.”

Sa ngayon, 18,685 pa lamang ang napapatay na itik, manok, at iba pa na malayo sa halos 200,000 target.

Sa kabila ng bird flu outbreak, kinumpirma ng Department of Health (DOH) na ligtas pa ring kumain ng poultry products, ayon sa ulat ng Balitang DF.