Arroyo, namigay ng hygiene packs sa mga bakwit na nasa Iligan City




Image capture of video by GMA News via YouTube

Namigay ng hygiene packs si dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo sa mga bakwit mula sa Marawi City na kasalukuyang nananatili sa evacuation centers sa Iligan City.

Sa pagbisita ni Arroyo sa National School of Fisheries sa Barangay Buru-un at Sta. Elena evacuation center ay naging katuwang niya sa pamamahagi ng hygiene packs sina Iligan City Mayor Celso Regencia at Vice Mayor Jemar Vera Cruz.

Kinumusta rin ng dating pangulo ang mga bakwit na nasa evacuation centers.

Sa kasalukuyan, mahigit 800 pamilya ang nasa limang evacuation center sa lungsod ng Iligan habang 14,000 naman ay kasama ng kanilang mga kamag-anak, ayon sa ulat ng Radyo Inquirer.

Ang dating pangulo ay kilalang nanirahan sa lungsod noong kaniyang kabataan.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: