Amerika: Chemical weapons at hindi nuclear weapons ng North Korea ang dapat na mas katakutan




File photo and public domain

Ibinahagi ng isang mataas na opisyal ng Amerika na ang dapat na mas katakutan ay ang chemical weapons ng North Korea kumpara sa nuclear weapons nito.

Ayon sa isang opisyal ng Arms Control Association ng United States, mayroong ‘nerve agents’ ang North Korea.

Batay din sa kanilang pagsasaliksik, apat ang military bases ng North Korea kung saan armado ito ng chemical weapons.

Mayroon ding 11 pasilidad ang nasabing bansa na diumano’y gumagawa ng kemikal na nakamamatay.

Pinabulaanan naman ng Pyongyang ang nasabing akusasyon, ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Samantala, matapos pag-aralang mabuti ang military plan, napagpasyahan ni North Korean supreme leader Kim Jong Un na pansamantalang iatras ang bantang pag-atake sa Guam, kung saan may air at naval base ang Amerika, ayon sa ulat ng Balitang DF.

Ibinalita umano ng Korean Central News Agency na aantabayanan muna ng North Korean leader ang mga susunod na hakbang ng US bago ito tuluyang magdesisyon kung itutuloy ang missile strike sa Guam.