[Video] 6-anyos na batang babae, tila na-stroke dahil sa labis na paggamit ng gadget




Image capture of video by GMA News via YouTube account

Isang 6-anyos na batang babae ang tila na-stroke dahil umano sa labis na paggamit ng gadget.

Ayaw na umanong pagamitin ni Icon Molvizar Collamar ang kanyang bunsong anak matapos bumagsak sa lapag at tila makaranas ng sintomas ng stroke.

Wala umanong nakitang pilay o injury sa katawan ng batang babae kung kaya’t tinanong ng Pedia neurologist kung madalas gumamit ng gadget ang bata.

Ayon sa pagsusuri, isang focal seizure ang dinanas ng batang babae.

Ayon kay Icon, hindi niya naisip na magiging sanhi ng sakit ang paggamit ng gadget.

Ibinahagi rin ni Icon sa kaniyang Facebook account ang nangyari sa kaniyang anak, na nag-viral naman sa social media. Sa kasalukuyan na pag-uulat, ito ay may 250,000 shares na at 82,000 reactions.

Ang post ni Icon ay nabasa rin ni Health Secretary Dr. Enrique Tayag.

Ani Tayag, hindi pa conclusive kung may kinalaman ang paggamit ng gadget sa focal seizure ng anak ni Icon, ayon sa ulat ng Saksi.

Paliwanag ni Tayag: “Ang gadgets mismo ay hindi makaka-trigger ng seizure. Ang stress ay maaaring makaresulta sa seizure disorder at ‘yung stress ay maaaring may pinanggalingan o pinagmulan.”

Sa inisyal na ulat ng Balitang DF, dapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak at limitahan sa dalawang oras ang paggamit ng internet o gadgets.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito mula sa GMA News: