Pitumpung ***** na pawikan, nasabat sa Palawan




Image from Dumaran MPS

******** ang dalawang mangingisda matapos mahulihan ng pitumpung ***** na pawikan sa kanilang bangka sa Palawan nitong Biyernes, ika-7 ng Hulyo.

Ayon sa ABS-CBN, kasalukuyang nagsasagawa ng seaborne patrol ang mga pulis at Bantay-Dagat ng Dumaran sa Palawan nang may namataan silang bangka. At dahil sa kahina-hinala umanong kilos ng dalawang mangingisda na sakay ng naturang bangka ay nagsagawa sila ng pag-iinspeksyon.

Tumambad sa mga awtoridad ang mga ***** na pawikan na isa-isang nakabalot sa cellophane at isinilid sa sako. Wala na umanong laman-loob ang mga pawikan na balak daw dalhin sa Half-moon shoal kung saan nangyayari ang bentahan ng mga ito.

Aabot daw sa P25,000 ang halaga ng bawat isang pawikan.

Kinilala ang mga suspek na sina Rico Gonzales Jr at Kim Aristotiles na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9147 o Wildlife Act of the Philippines.

Dinala naman sa Palawan Council for Sustainable Development ang mga ***** na pawikan.