Miss World pageant, possibleng ganapin sa ‘Pinas sa kauna-unahang pagkakataon




Imahe mula sa Miss World Philippines Organization

May posibilidad na ganapin sa Pilipinas ang Miss World pageant sa kauna-unahang pagkakataon.

Ayon sa Bombo Radyo, sinabi ng bagong Miss World Philippines chairman na si Arnold Vegafria na may offer ang komite na dito sa bansa ganapin ang Miss World pageant sa 2019.

I have an offer to stage it in the Philippines in 2019, actually. So I need the help of the government, the support of the government, the support of the sponsors and all the Filipinos so that, you know, we can stage it here for the first time. Miss World will be shown in 146 countries, it’s bigger than the other pageants,” ani Vegafria.

[May alok na ganapin sa Pilipinas sa 2019 ang Miss World. Kailangan ko ng suporta ng gobyerno, ng mga sponsor, at ng lahat ng mga Filipino upang idaos ang pageant dito sa kauna-unahang pagkakataon. Ang Miss World ay mapanonood sa 146 na bansa, mas malaki ito kaysa sa ibang pageants.]

We can showcase our country in 146 countries, the beauty of our people, the beauty of our tourism, and of course, the hospitality of the Filipino people. Sana tumulong ang mga sponsors, not only me… our government especially, the Department of Tourism (DOT),” dagdag pa niya.

[Maipapakita natin kung ano ang mayroon sa atin sa 146 na bansa, ang kagandahan sa ating mga mamamayan, ang ganda ng turismo, at siyempre, ang hospitality ng mga Pilipino. Sana tumulong ang mga sponsor, hindi lang ako… lalo na ang ating gobyerno, ang DOT.]

Kamakailan ay inanunsyo na ang mga pagbabago na masasaksihan sa Miss World  Philippines 2017Panoorin ang TV report ng 24-Oras tungkol dito: