Empoy Marquez, Alessandra de Rossi, muling magtatambal sa bagong pelikula?




Image from alessderossi's Instagram account

Dahil sa lakas ng hatak sa takilya ng pelikulang “Kita Kita” na pinagtambalan ng komedyanteng si Empoy Marquez at aktres na si Alessandra de Rossi, may plano umanong muli silang pagtambalin sa bagong pelikula.

Ayon sa ABS-CBN, sinabi umano ni Alessandra na nais ng mga producer na sa Iceland gawin ang bagong proyekto nila ng komedyante. Ang “Kita Kita” ay ginawa sa Japan.

“May naririnig akong tsismis na Iceland ang next natin na gagawin so sana, sana. Bakit naman hindi? Pero iyon nga ang maganda sa amin ganito lang kami masaya lang,” anang mahusay na aktres.

Nahigitan ng “Kita Kita” ang lahat ng ekspektasyon sa takilya. Ayon nga sa director nito na si Sigrid Andrea Bernardo, masaya na siya noong ikalawang araw ng pelikula na hindi ito na pull out sa mga sinehan, tulad ng karaniwang nangyayari sa mga indie films.

Laking gulat umano ni Bernardo na noong ikatlong araw nito ay nadagdagan pa ng 50 sinehan upang ipalabas ang rom-com movie.

Sa loob ng walong araw ay kumita ng mahigit P100 milyon ang “Kita Kita” na binuo sa budget na P10 milyon lang.

Bakit humatak ang pelikulang ito?

Sabi nga ng isang netizen: “‘Yung cinematography parang Japanese at Korean films, honestly, walang sayang na frame, lahat may story at meaning behind it, p*ta series of emotions nadama namin, tawa, kilig, at sadness, bwisit ka empy, hahanap na ako ng sarili kong tonyo “

Narito ang trailer. Baka gusto n’yo pang humabol!