Panukala ni Sen. Cynthia Villar na ipagbawal ang “unli rice” promo sa mga kainan, pinalagan ng netizens




Image capture of video by News5

Hindi nagustuhan ng ilang mga social media users ang suhestiyon ni Senadora Cynthia Villa na dapat raw ipagbawal ang unlimited rice promo sa mga restaurant dahil bukod sa hindi raw maganda sa kalusugan ang pagkain ng maraming kanin  ay nasasayang lang kapag hindi naubos ang “unli rice.”

Ayon sa Radyo Inquirer, nagpayo pa umano ang senadora, tagapangulo ng Senate Committee on Agriculture and Food, na dapat raw masanay ang mga Pilipino na magtipid sa bigas at kumain ng maraming gulay. Aniya, marami ang nagkakaroon ng diabetes sa sobrang pagkain ng kanin.

Pinutakti naman ng sari-saring komento mula sa mga netizens ang panukala ng senadora.

“Oy, Filipino ba talaga si Cynthia Villar? Bakit ayaw niya ng unli rice. Sobrang na–o-offend ako as a person na nakakalahati ‘yung kaldero ng kanin,” sabi ng isang netizen.

Mayroon pang nagsabi na “nagpapabibo” lang daw ang senadora.

At may ilang nagsabi na sa halip na pakialaman ang hilig nila sa kanin, dapat umanong mag-focus na lang ang senadora sa mas importanteng isyu.