Charo Santos-Concio, Muling Bibida Sa Pelikula Ni Lav Diaz!




mga imahe mula sa Instagram

Matapos ang matagumpay na pelikulang “Ang Babaeng Humayo” na nagbigay sa kanya ng karagdagang karangalan, muling bibida si ABS-CBN Chief Content Officer Charo Santos-Concio sa isang makabuluhang pelikula sa ilalim ng direksyon ni Lav Diaz.

Batay sa panayam kay Concio matapos ang isang event,  iikot ang istorya ng pelikula sa buhay ng  isang yayang OFW o Overseas Filipino Worker.

“The entire film will be shot in Singapore. It’s about an OFW who comes home to bury her son but na-delay ‘yung flight niya so she had to stay in the Singapore airport. She met young OFWs during the transit. And then she got to know the way of thinking of these young OFWs,” ani Concio.

“Yes, they work hard for their families but they are also thinking of themselves. Hindi na katulad nung previous generation na nakakalimutan ang sarili, ang nasa isip lang nila ay ‘yung pamilya nila. They forget about their own happiness. They forgot to love themselves,”dagdag pa niya.

Masayang-masaya si Concio na muli siyang nakabalik sa pagganap bilang aktres sa pinilakang-tabing.

“I will never be a problem to a producer because I am a producer. I know what a producer goes through. I don’t think I will cause anyone any mishap. Naa-appreciate ko kung ano ang dinadaanan ng production. I’ve been on the other side.”

Umani ng tagumpay ang kanyang pelikulang “Ang Babaeng Humayo” sa pambansa at pandaigdig na pagkilala. Nakatanggap ito ng Golden Lion Award noong 2016 sa Venice Film Festival, at kinilala rin ang kanyang natatanging pagganap.

“I’m so happy, because it also got distribution in the US and I read a few reviews. And yeah, nakakataba ng puso,” masayang tinuran ng beteranang aktres.

Ang direktor na si Lav Diaz ay batikan sa paglikha ng mga de-kalibreng pelikulang tumatagal ng anim hanggang walong oras tulad ng “Hele sa Hiwagang Hapis” na pinagbidahan nina John Lloyd Cruz at Piolo Pascual.

Si Charo Santos-Concio naman ay mapapanood tuwing Sabado ng gabi sa longest drama anthology na “Maalaala Mo Kaya” na patuloy na nakatatanggap ng mga parangal. Iba talaga ang batikan na sa pagganap!

Samantala, narito at ating silipin ang kanyang “Ang Babaeng Humayo” na humakot ng papuri.