[Video] DOH, FDA Pinatitigil ang Pagbebenta, Pagbibigay ng Dengue Vaccine




Image capture of video by ABS-CBN News via YouTube account

Pinatitigil ng Department of Health (DOH) at Food and Drug Administration (FDA) ang pagbebenta at pagbibigay ng dengue vaccine.

Ayon sa DOH, hindi muna sila magbibigay ng bakuna laban sa dengue sa mga eskuwelahan ngayong taon.

Dagdag pa ng DOH, tatapusin na lang muna nila ang ikatlo at huling dose ng dengue vaccine na nasimulan nang ibigay sa grade four students na nasa 9-anyos at pataas sa mga piling rehiyon ng bansa, saad sa ulat ng TV Patrol.

Paliwanag ni Health Secretary Paulyn Jean B. Rosell Ubial, hihintayin muna nila ang resulta ng adverse events at resulta ng implementation.

Naglabas naman ang FDA ng cease at desist order sa pharmaceutical company Sanofi Pasteur Inc. at drugstore chain ng Watson Personal Care Store laban sa pag-advertise, pag-promote at pagsasagawa ng bakuna.

Ayon naman sa Watson, hindi pa sila nagbebenta ng dengue vaccine at hindi rin sila nagsasagawa ng bakuna at nakikipag-coordinate na rin sila sa FDA. Ganito rin ang naging pahayag ng Sanofi.

Panoorin ang iba pang detalye sa video na ito: