PNP chief De la Rosa naging emosyonal, gustong sumabak sa labanan kontra sa Maute Group




Image from Eagle News

Emosyonal na humarap si Philippine National Police (PNP) Chief Ronald De la Rosa sa mga kapulisan sa flag ceremony sa Camp Crame noong Lunes, ika-29 ng Mayo, habang ikinukuwento niya ang nasaksihan niyang paghihirap ng mga pulis na lumalaban sa Maute Group sa Marawi City.

Aniya, nahihirapan ang kanyang kalooban dahil gustong-gusto niyang sumabak sa labanan sa Marawi City kasama ng kanyang mga tauhan pero hindi niya magawa.

“I really want to fight but I cannot. I am the PNP chief. I want to go there as a police inspector and fight alongside them but I am easily recognizable and once they see me, their focus will be on securing me instead of the fight on the ground,” anang PNP chief.

[Gusto ko talagang lumaban pero hindi maaari. Ako ang PNP chief. Gusto kong pumunta doon bilang police inspector at makipagbakbakan kasama nila (mga pulis), pero madali akong makikilala at kapag nakita nila ako, ang magiging focus nila ay i-secure ako sa halip na makipaglaban.]

Ayon sa News Central, tiniyak naman ni De la Rosa na naka-full alert ang PNP upang siguruhin na hindi kumalat sa ibang lugar ang labanan na nagaganap sa Marawi City.