Kulungan sa Cavite, may Aircon!




File photo

(Cavite) Inilipat sa bagong selda na may air conditioner ang mga babaeng inmates sa Imus Detention Facility.

Ginawang female custodial center, isang bagong pasilidad, ang dating conference room ng mga pulis na nasa ikalawang palapag ng nasabing tanggapan.

Sa pahayag ng lokal na pamahalaan ng Imus, ilan sa mga inmates ay namatay na kung kaya’t napilitan silang kumilos.

Dagdag pa ng lokal na pamahalaan, marami sa inmates ang nagkapigsa at an-an.

Pahirap din sa inmates ang siksikan na kulungan dahil 25 lamang ang kapasidad ditongunit sa kasalukuyan ay lagpas na sa 100 inmates ang nasa loob ng kulungan.

Ang nasabing kulungan ay pang-apat sa pinakasiksikang kulungan sa bansa, saad sa ulat ng ABS-CBN.

Samantala, mahigit 20 inmates ang nakadetine sa bagong pasilidad para sa mga babae.

Nilinaw naman ni Supt. Norman Rañon, hepe ng Imus police, walang kaugnayan ang pag-convert ng kanilang conference room sa natuklasang secret jail sa Manila Police District Station 1 sapagkat noon pa nakaplano ang pagdagdag nila ng kulungan.

Source :

ABS-CBN, Facebook