[Video] Bahay ng Magkapatid na Kapuso stars Sanya Lopez at Jak Roberto, Pinasok ng Kawatan




Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Ugaliin ang pag-iingat sa lahat ng pagkakataon.

Pinasok ng kawatan ang bahay ng magkapatid na Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Jak Roberto sa Tandang Sora, Quezon City.

Dumaan umano ang magnanakaw sa bintana ng kuwarto ni Sanya sa ikalawang palapag nitong Marso 30 ng madaling araw: ayon sa ulat ng GMA.

Wala umano ang aktres sa bahay nang maganap ang insidente dahil nasa taping ito ng “Encantadia.”

Nakasalubong ng manager ng magkapatid ang magnanakaw pagbaba nito ng hagdanan  mula sa kuwarto.

Kaagad umanong tumakbo ang magnanakaw nang makita ang kanilang manager at humangos pabalik sa silid kung saan ito nanggaling at tumakas mula sa bintana, salaysay ni Jak.

Nakuha ng suspek ang cellphone na pag-aari ng kanilang kasambahay ngunit dahil sa pagmamadali ay naiwan umano ang relo na hindi nila pag-aari.

Kinabitan na ng grill ang mga bintana ng bahay dahil sa naturang insidente.

Laking pasasalamat ni Sanya sa pangyayari dahil walang nasaktan sa naganap na insidente ngunit nag-iwan daw ito ng takot sa kaniya.

After nung nangyari hindi ako makatulog. Kasi konting may bumagsak lang, nakahawak na agad ako sa puwedeng ihampas sa kaniya,” saad ni Sanya.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.

Panoorin ang video na ito mula sa GMA:

Source :

You Tube, GMA