Kung Hindi Suweldo, Benipisyo; Pangulong Duterte May Magandang Sorpresa sa mga Manggagawa sa Labor Day




Imahe mula sa Duterte Today FB page.

May naghihintay na magandang sorpresa sa mga manggagawa na ihahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kaniyang unang pagdiriwang ng Labor Day bilang Pangulo, ayon kay Secretary Silvestre Bello.

Ang pagdiriwang ng Labor Day sa Linggo ay gaganapin sa Davao City kung saan nagsilbi si Duterte bilang Mayor ng may dalawang dekada, ayon sa ulat ng ABS CBN.

Mayroon po kaming suggestions sa Pangulo, pero nasa kanya po kung alin doon ang kanyang iaanunsyo. Ayaw ko namang pangunahan ang ating Pangulo kasi baka gusto niyang i-surprise ang ating mga manggagawa,” ayon kay Bello.

Siguro hindi sweldo, kundi benepisyo.”

Mahigit sa 200,000 trabaho ang iaalok ng Department of Labor and Employment  sa nationwide job fairs sa Mayo 1.

Kamakailan ay pormal nang ipinag-utos ng DOLE ang pagwawakas ng “Endo” sa bansa.

Sa ilalim ng Department Order 174, Series of 2017, iniutos ni Bello ang pagbabawal  sa pag-uulit ng pagtanggap sa mga manggagawa bilang contractors na may employment contract  sa maikling panahon na may mandato ng 6 na buwan upang maging regular na empleyado.

Nais din ng Pangulo na ma-enjoy ang parehong sahod ng mga manggagawa sa probinsiya katulad ng nasa Metro Manila upang ma-decongest ang capital ng bansa.