63 Kinatay na Aso, Natagpuan sa isang Container Van sa  Benguet




Larawan mula sa video ng GMA via You Tube

May puso pa kaya ang taong gumawa nito?

Narekober ang 63 na kinatay na aso mula sa isang container van na may plate number na AVA 3227 na nakaparada sa isang open lot sa Wan gal, La Trinidad, Benguet.

Nakatanggap ang La Trinidad PNP ng tawag mula kay Melchor Alipio na miyembro ng Philippine Society for Prevention of Cruelty to Animals-Cordillera Chapter sa nasabing lugar hinggil sa mga asong kinatay; ayon sa ulat ng Bombo Radyo.

Sa pagresponde ng mga awtoridad, dito na nila natagpuan ang mga nasabing aso sa loob ng puting container van  na nakaparada sa nasabing lugar ngunit hindi na nila nakita ang driver ng sasakyan o ang may-ari ng mga kinatay na aso.

Patuloy  pa ring inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng driver ng van at kung saan ihahatid ang mga asong kinatay.

Ang may-ari ng mga kinatay na aso ay nahaharap sa kasong  paglabag sa RA 8485 o Animal Welfare Act of 1998, RA 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 at RA 10536 o The Meat Inspection Code of the Philippines.