Panoorin: Robin, ikinatuwa ang ginawa ng asawa ni Queenie




Mga imahe mula sa YouTube

Bagama’t matagal na silang kasal ay namanhikan kamakailan ang asawa ni Queenie Padilla sa kanyang ama na si Robin Padilla — bagay na labis na ikinatuwa ng popular na action star.

Ayon sa Abante, sa wakas ay namanhikan ang Pakistani husband ni Queenie na si Usama Mir. Isang formal dinner ang pinagsalu-saluhan nina Robin, kasama ang asawa nitong si Mariel Rodriguez-Padilla at iba pang mga kamag-anak.

Masayang-masaya ang aktor. Aniya, nauna man ang kasal, ang mahalaga ay nauwi pa rin ang lahat sa pamamanhikan.

“Maraming salamat sa Panginoong Maylikha sa biyaya…. Kahit masakit sa ulo ang pagiging spokening dollar naging simbolo naman ito ng iisang pamilya sa ilalim ng nag-iisang Diyos, umaapaw ang pagkakaisa ng iba’t ibang kultura kahit magkakaibang lahi at pananampalataya,” wika ni Robin.

Buong puso raw na tinanggap ng pamilya Padilla ang napangasawa ni Queenie.

Samantala, mapapansing wala si Kylie Padilla at Aljur Abrenica sa video na maituturing na isang mahalagang okasyon sa Padilla Family.

Panoorin ang pamamanhikan ng asawa ni Queenie sa pamilya ng mga Pamilya: