[Panoorin] Mga Manikang Mukhang Tao sa US, Obra ng isang Pinoy




Imahe mula sa video ng GMA via You Tube

Sa unang tingin ay hindi mo mapagkakamalang  manika  dahil sa mukhang tao ito. Muli na namang pinatunayan ng mga Pilipino ang pagiging malikhain  dahil tunay namang nakabibilib na isang Pinoy ang nasa likod ng mga nasabing obrang.

Lumikha ng ingay online ang Emma Watson Doll ng Disney; ang tinawag na mala-beast ng ilang netizens. Niretoke at naging full bloom at lifelike na beauty. Ang nasa likod ng obrang ito ay isang Filipino na nakabase sa California — si Noel Cruz.

I’ve been really fortunate and lucky that people have really recognized ‘yung quality ng mga work kong ginagawa sa mga dolls,” ani Noel Cruz; na isang Repaint Doll artist.

Ang presyo ng manika ay P170,000, ngunit hindi pa raw ito ang pinakamahal na naibentang manika ni Cruz; ayon sa ulat ng GMA.

The collectors see these things as work of art, high end collectibles put up on display cases and hiding under glass,” ani Cruz.

Amazing naman talaga ang kanyang talento! Nabigyan ng buhay ang manika.

Mula sa mga music icon, sikat na movie characters at iba pang mga personalidad ay mapagkakamalang totoong tao kung hindi mo sasabihing manika ang mga ito.

Narito ang isang patunay na napakahusay ni Cruz.

Yes! Siya ang winner sa Fashion Doll Awards 2017 bilang Best OOAK Fashion Doll Artist.

Hindi rin isang simpleng laruan ang turing sa mga manika ni Robert Tunner gaya ng unang transgender doll na kaniyang nilikha at  isinunod sa isang 16-anyos na transgender at LGBT advocate.

Ang transgender fashion designer na si Poi Subijano, na itinago noon ang pagkatao, kinalaunan ay nangolekta ito ng 200 manika na kaniyang binibihisan. Ilan sa mga ito ay nanalo sa International Doll Pageants.

Ayon kay Dr. Nestor Castro, isang anthropologist, ang manika ay bahagi na ng ating kultura, mula sa pamilya kung paano tayo lumalaki lalo na sa mga kababaihan na itinuturing na anak ang mga manika.

Kung nabitin ka sa mga obra ni Noel Cruz, pasyal ka sa kanyang Instagram account.

Samantala, panoorin ang video na ito ng GMA: